7-11-21 sa ating Kasaysayan at Kamalayan

Ipinaskil Oktubre 12, 2009 ni bakasbukas
Mga Kategoriya: Komentaryo sa Kapilipinuhan, Pilantik ng bayan, Pulitika't Pulitiko

Ang 7, 11, at 21 ay mga suwerteng numero sa sugal na dice at blackjack. Pero sa karanasan at kasaysayan ng mga Pilipino, Amerikano at Chileano, 7-11-21 ay petsang hindi makakalimutan.

Ang Setyembre ay ang pang-siyam na buwan sa Gregorian at makabagong kalendaryo. Pero sa lumang kalendaryo ang pampitong buwan ay ang Setyembre mula sa Latin na salitang “septem.”

Ang insidente sa New York, pagbagsak ng Twin Towers ng World Trade Centers, ay naganap sa Setyembre 11, 2001. Ang naging popular na katawagan sa media ay 9-11 pero ito ay maari ring mabasa na 7-11-21. Ang araw na ito ay hindi kailanman mabubura sa diwa ng mga Amerikano; hindi lamang sa maraming nasawi, ang terror at sindak ng insidente ay nagbunsod sa kampanyang “War on Terrorism” at “Patriotic Act.”

Sa Chile naman, isang bansa sa Timog America, September 11, 1973 ng inagaw ng military sa pamagitan ng coup ang poder ng nakaupong presidente –si Salvador Allende, isang popular at progresibong presidente. Ang araw na ito ay hindi kailanman mabubura sa diwa ng mga Latino Amerikano; hindi lamang sa maraming nasawi, ang terror at sindak ng insidente ay nagbunsod sa pagtatayo ng diktadura ni Augusto Pinochet at pagsupil ng karapatang pantao ng mga mamamayang Chileano.

Sa Pilipinas naman, September 21, 1972 ng nilagdaan ni Pangulong Marcos ang “Proclamation 1081”; ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng batas military. Ang Martial Law ipinatupad nuong a-23 ng Setyembre, kung kailan sinimulan pag-aresto at pagkulong sa mraming aktibista at kilalang lider oposisyon tulad nina Ninoy Aquino, Jose Diokno, pagwawalang bisa ng dating saligang-batas, at pagyurak ng mga karapatang-pantao.

Ang Martial Law sa Pilipinas ay 7-21. Ang Military Coup de Etat sa Chile ay 7-11. Ang pag-atake at pagpapagbasak ng mga simbolo ng global power ng US – World Trade Center at Pentagon- ay 7-11.

Sa Pilipinas ang 7-11 o September 11 ay kaugnay sa kapanganakan ni Ferdinand Edralin Marcos. Si Marcos ay isang magaling at tusong pulitikong Pilipino. Sa unang paglahok niya sa eleksyon, ang kanyang pinapangako sa kanyang mga kababayan sa Ilocos; “Ang iyong boto ay boto sa susunod na pangulo ng Pilipinas. Ito ang siyang iginuhit ng Tadhana.”

Nagkatotoo nga ang kanyang wika. Taong 1965 tinalo niya sa eleksyon ang re-eleksyonistang Presidente, si Diosdado Macapagal. Nanalo siya laban kay Sergio Osmena sa halalan ng 1969 para sa kanyang pangalawang term. Sa umiiral na konstitusyon nuon, ito na ang panghuling term ni Marcos bilang Presidente.

Alam ng marami ang hangarin ni Marcos ay magpatuloy pa kanyang term at maging pangmatagalan ang kanyang poder sa kapangyarihan ng bansa. Dahil ang konstitusyon ang malaking sagabal at balakid sa kanyang hangarin at political agenda pagkatapos ng term niya sa 1973.

Ang unang ginawa ay pagpatawag ng Constitutional Convention nuong 1970. Lumabas ang pakana niya kaya’t marami sa mga delegado ang gumawa ng hakbang para hindi magamit ni Marcos ang binubuong konstitusyon sa pagpapanatili niya sa poder.

Simula ng dekada 70, lalung lumakas ng hanay ng mga estudyante sa pagtuligsa sa gobyerno ni Marcos. Maraming rali, demonstrasyon at kilos protesta hindi lamang sa Maynila kundi sa maraming kabayanan sa buong kapuluan.

Taong 1968 nabuo ang Communist Party of the Philippines sa pangunguna ni Amado Guerrero o Jose Maria Sison. Taong 1969 naman ang New People’s Army ni Kumander Dante. Malaki at malaganap na rin ang hanay ng Kabataang Makabayan at Samahang Demokratikong kabataan. Sa madaling salita, lumalakas ang unos sa paglaban sa gobyerno.

Maging ang mga moderate na kabataan ay lumalaban na rin sa poder ni Marcos. Ang kilalang lider na si Edgar Jopson ay nawawalan ng tiwala sa gobyerno at sa ginagawang saligang batas.
Pumutok ang First Quarter Storm. Bumaha ang Gitnang Luzon. Nasuspende ng writ of habeas corpus. Na-expose ang Oplan Sagittarius, ang pagdedeklara ng batas militar ni Marcos. Tumitindi ang ekonomiya at kalagayang pulitika ng bansa.

Setyembre 21, 1972. Udyok ng gawa-gawang pag-ambush kay Defense Secretary Juan Ponce Enrile, ginamit na dahilan sa pagdeklara ng batas ng martial law.

Ang araw na ito – 7-11-21 – ay hindi kailanman mabubura sa diwa ng mga Pilipino; hindi lamang sa maraming naaresto, ang terror at sindak ng pagdeklara ay nagbunsod sa pagtatayo ng diktadura ni Marcos, pagpapanatili niya sa poder, at pagsupil ng karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino.

Huwag muna, Noy

Ipinaskil Oktubre 12, 2009 ni bakasbukas
Mga Kategoriya: KaPilipinuhan sa Pangkalahatan, Komentaryo sa Kapilipinuhan, Paggunita sa kabayanihan, Pilantik ng bayan, Pulitika't Pulitiko

Huwag muna, Noy

Sa iyong pagmumuni-muni,
Sana mabigyan ka ng patnubay ng Poong Maykapal.
Sana huwag mong itanong
“to be or not to be the next president” ng Inang Bayan,
Dahil ang choices mo ay dadalawa lamang,
Higit na marami pa ang nangangailangan ng katugunan.

Dapat mo ring tandaan,
Hindi ikaw lamang ang makakatugon sa mga hikbi ng bayan.
Sadyang “hindi ka nag-iisa,”
Kaya’t huwag mong sarilinin ang pakikibaka
Ang halalan ay iisa lamang
Marami pang mga pamamaraang kasama ang taumbayan.

Hindi pamantayan ang boto,
Sa halala’y maraming peke at pakitang-tao,
Bagamat halalan ang puno’t dulo
Ng kabayanihan ng inyong pamilyang Aquino,
Liwanag kontra dilim ang kaibuturan nito,
Sa rehimeng ganid at makasarili, sila ang alab at sulo.

Sa iyong pagmumuni-muni
Sikapin mong huwag paggapi sa simboyo ng inaapi,
Sa mga nagsasabing na ikaw lamang ang natatangi
Ang makakabuklod sa oposisyong tagpi-tagpi,
Sa panandalian at sa ningning mo ngayon ikaw ay may silbi,
Sa pangmatagalan, sa palagay mo ba ito ay sadyang makakabuti?

Ito ang mga tanong ko sa iyo,
Kung si Arroyo di tatakbo, kung si Bongbong di tatakbo
Titingkad ba ang sulong hawak-hawak mo na pinamana sa iyo?
Kung lahat kayong kandidato ay sumisigaw ng pagbabago
Sinusumpa ang katiwalian ni Arroyo, di ba tabla-manalo, walang talo?
Bakit ka pa kakandidato – Aquino-Roxas o Roxas-Aquino?

Noy, ang malaking katanungan ay ito,
Isipin mong mabuti kung sakaling ikaw ay maging pangulo,
Magagawa mo ba ang mga hindi nagawa ng magulang mo,
Mababawi ang mga ninakaw sa kaban ng bayan ng mga pulitiko,
Maigagawad ng katarungan ang mga nilapastanganan at maparusahan ang mga nag-abuso,
Maitutuwid mo ba ang katiwalian, mapupuksa mo ba ang kanser ng pamamahalang-bayan?

Hindi mo magagawa, Noy.
Hindi mo magagawa kung wala kang malawakang kilusang ng mga anak-bayan,
Hindi mo magagawa, Noy kung wala kang suporta sa lahat ng hanay ng lipunan,
Hindi mo magagawa Noy kung hindi tagos ang paninindigang kapilipinuhan,
Hindi mo magagawa Noy kung hindi ka buo at pinagbibigyan mo lamang
Ang mga taong naghahangad ng inyong ningning at magandang pangalan.

Huwag na muna, Noy.
Labis pa sa ningning ang hangad ng taumbayan,
Ang mamayani ang walang-patlang liwanag sa kadiliman,
Hindi lamang sa pamahalaang-bayan kundi sa lahat ng larangan,
Ang panawagan ay ITULOY ANG LABAN, LAKAS NG BAYAN
Ang diwa’t patnubay nina Bonifacio, Jacinto, Rizal, Ninoy at Cory sa Inang bayan.

Kasama mo kami, Noy
Buong sigasig nating ituloy ang laban ng Pinoy.

Huwag muna, ‘Noy

Ipinaskil Setyembre 3, 2009 ni bakasbukas
Mga Kategoriya: KaPilipinuhan sa Pangkalahatan, Pilantik ng bayan, Pulitika't Pulitiko

Sa iyong pagmumuni-muni,
Sana mabigyan ka ng patnubay ng Poong Maykapal.
Sana huwag mong itanong
“to be or not to be the next president” ng Inang Bayan,
Dahil ang choices mo ay dadalawa lamang,
Higit na marami pa ang nangangailangan ng katugunan.

Dapat mo ring tandaan,
Hindi ikaw lamang ang makakatugon sa mga hikbi ng bayan.
Sadyang “hindi ka nag-iisa,”
Kaya’t huwag mong sarilinin ang pakikibaka
Ang halalan ay iisa lamang
Marami pang mga pamamaraang kasama ang taumbayan.

Hindi pamantayan ang boto,
Sa halala’y maraming peke at pakitang-tao,
Bagamat halalan ang puno’t dulo
Ng kabayanihan ng inyong pamilyang Aquino,
Liwanag kontra dilim ang ang kaibuturan nito,
Sa rehimeng ganid at makasarili, sila ang alab at sulo.

Sa iyong pagmumuni-muni
Sikapin mong huwag paggapi sa simboyo ng inaapi,
Sa mga nagsasabing na ikaw lamang ang natatangi
Ang makakabuklod sa oposisyong tagpi-tagpi,
Sa panandalian at sa ningning mo ngayon ikaw ay may silbi,
Sa pangmatagalan, sa palagay mo ba ito ay sadyang makakabuti?

Ito ang mga tanong ko sa iyo,
Kung si Arroyo di tatakbo, kung si Bongbong di tatakbo
Titingkad ba ang sulong hawak-hawak mo na pinamana sa iyo?
Kung lahat kayong kandidato ay sumisigaw ng pagbabago
Sinusumpa ang katiwalian ni Arroyo, di ba tabla-manalo, walang talo?
Bakit ka pa kakandidato – Aquino-Roxas o Roxas-Aquino?

Noy, ang malaking katanungan ay ito,
Isipin mong mabuti kung sakaling ikaw ay maging pangulo,
Magagawa mo ba ang mga hindi nagawa ng magulang mo,
Mababawi ang mga ninakaw sa kaban ng bayan ng mga pulitiko,
Maigagawad ng katarungan ang mga nilapastanganan at maparusahan ang mga nag-abuso,
Maitutuwid mo ba ang katiwalian, mapupuksa mo ba ang kanser ng pamamahalang-bayan?

Hindi mo magagawa, Noy.
Hindi mo magagawa kung wala kang malawakang kilusang ng mga anak-bayan,
Hindi mo magagawa, Noy kung wala kang suporta sa lahat ng hanay ng lipunan,
Hindi mo magagawa Noy kung hindi tagos ang paninindigang kapilipinuhan,
Hindi mo magagawa Noy kung hindi ka buo at pinagbibigyan mo lamang
Ang mga taong naghahangad ng inyong ningning at magandang pangalan.

Huwag na muna, Noy.
Labis pa sa ningning ang hangad ng taumbayan,
Ang mamayani ang walang-patlang liwanag sa kadiliman,
Hindi lamang sa pamahalaang-bayan kundi sa lahat ng larangan,
Ang panawagan ay ITULOY ANG LABAN, LAKAS NG BAYAN
Ang diwa’t patnubay nina Bonifacio, Jacinto, Rizal, Ninoy at Cory sa Inang bayan.

Kasama mo kami, Noy
Buong sigasig nating ituloy ang laban ng Pinoy.

Ang Talinghaga ng Agosto sa kabayanihan nina Ninoy, Ka Andres, Rizal at Tita Cory

Ipinaskil Agosto 21, 2009 ni bakasbukas
Mga Kategoriya: KaPilipinuhan sa Pangkalahatan, Komentaryo sa Kapilipinuhan, Paggunita sa kabayanihan

Kasaysayan ng Kapilipinuhan ay hitik ng talinghaga.

Ang landas na tinahak ng ating kasaysayan ay masalimuot, kaya’t madalas maraming Pilipino ang nakakalimot.

Sa kasalukuyan nagiging kapansin-pansin at hindi maikakaila ang kakulangan, namamayaning katiwalian at kabuktutan, at maraming katanungan hinggil sa pagiging bansa at bayan ng ating lupang tinubuan.

Habang ang hinaharap naman at ang pinapangarap na darating na bukas ay nagiging mailap at mahirap; may bahid ng pangamba na baka lalung hindi mabuti, higit pang lala at hindi katanggap-tanggap ang kalagayan ng bansa sampu ng kanyang mamamayan.

Nagkakataon lang ba na sa buwan ng Agosto, panahon ng tag-ulan at bagyo, dumarating din ang malalaking unos na yumayanig sa kinalalagyan ng kapangyarihan sa kasaysayan. Magaling na halimbawa ang Himagsikang 1896 o Unang Sigaw ng Pugad-Lawin (Agosto 23,1896 ), “Labing-tatlo ng Agosto ng saklupin ang Maynila (ng mga Amerikano) (Agosto 13, 1898),” August 21 Movement dulot ng pagkapaslang kay dating Senador Ninoy Aquino (Agosto 21,1983), at ang makasaysayang pakikidalamhati, pakikilibing, at marubdob na paghahatid sa hantungan ni Tita Cory (Agosto 2, 2009).

Nagkataon lang ba na si Andres Bonifacio at si Ninoy Aquino, parehong kinikilalang mga martir at bayani ng taumbayan ay napaslang sa kamay ng kapwa Pilipino na may katungkulang “Pangulo;” si ka Andres kay Heneral Emilio Aguinaldo at si Ninoy naman kay Pangulong Ferdinand Marcos?

Si Ka Andres at Ninoy ay dinakip, kinulong, nilitis ng korteng lutong makaw, kahit walang sapat na ebidensiya, hinatulan pa rin ng parusang kamatayan. Walang saksi sa pagpaslang sa kamay ng mga inutusang sundalo. Pagkatapos naghuhugas kamay ang pangulong may kagagawan sa pagkamatay ng kaniyang kinakatakutang karibal sa kapanyarihan.

Naiisip ba ni Ninoy nang nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas na maaring mangyari rin sa kanya ang sinapit ni Ka Andres kaya’t ang pinili niyang pangalang ginamit sa kanyang passport ay Marcial Bonifacio; Marcial sa Martial Law at Bonifacio kay Ka Andres? At kung hindi man siya papaslangin sa pagdating niya sa Pilipinas, pababayaan siyang buhay pero ibabalik naman siya sa dating piitan ng Fort Bonifacio? Isang talinghaga.

Ang pagiging pangulo raw ni Marcos ay “iginuhit ng tadhana.” Iginuhit rin ba ng tadhana na ang naging papel rin niya sa kasaysayan ay katulad ni Miong Aguinaldo, ang berdugo sa taong tunay na nagmamahal sa bayan at nakikipaglaban para sa kalayaan tulad ni Ka Andres Bonifacio?

Nasa diwa at kamulatan ba ni Ka Andres at ni Ninoy ang kahalagahan ng pagsasakripisyo, kamatayan sa kamay ng kaaway, at ang pagtutubos o redemption? Na ang pag-aalay dugo at buhay ay isang dakilang ambag sa paggising, pakikidamay, pag-iisa, paghihimagsik hanggang sa matamo ang ipinaglalaban para sa Inang Bayan.

Kinikilala at tinatanggap ni Ka Andres na tanging si Dr. Jose P. Rizal ang makakapagbuklod sa mamamayan at anak-bayan ng Inang Bayan. Sinikap niyang itong himukin para maitakas at mailigtas sa kamay ng kaaway sa Dapitan hangga sa kanyang piitan sa Fort Santiago. Hindi man siya nagtagumpay, at binaril si Rizal sa Bagumbayan, malinaw pa rin kay Bonifacio ang kahalagahan ni Rizal, kaya’t dali-dali niyang isinalin ang huling tulang pagpapaalam ni Rizal, ang “Mi Ultimo Adios,” pinagmudmod sa kasapian ng mga Katipunan at mga anak-bayan.

Sa maraming kasapi sa Katipunan at sa hanay ng mga anak-bayan, tinangkilik at itinanghal si Rizal bilang Kristo ng mga Tagalog; ang Diyos na nagkatawang-tao, nagpakasakit at nagsakrapisyo para sa kapwa tao, nag-alay ng buhay sa kamay ng kaaway, namatay at nabuhay at bumangon muli para sa kaligtasan ng sanlibutan. Ang taunang paggunita sa pagkamatay ni Rizal sa bagumbayan, Disyembre 30,1896, malaganap na dinadaos ng mga bayan-bayan. Ang unang pagdiriwang ng Araw ni Rizal ay ginanap nuong Disyembre 30,1898, sa deklarasyon ni Aguinaldo sa ngalan ng Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan.

Sa paggunita sa kamatayan, ayon sa mga naka-witness, ay ipinagdiriwang na araw ng pagdadalamhati, nag-iiyakan ang mga tao sa harap ng larawan ni Rizal. Nilalagay ng mga tao ang larawan ni Rizal sa kanilang altar. Ginagawa ito bago pa man itinakda ng Gobyernong Amerikano ang patakarang pagpapalanap kay Rizal bilang simbolo ng bayan. Ito ang pinaggalingang pananaw ni Renato Constantino sa pagkategorya niya kay Rizal bilang isang “American sponsored hero.” Kaiba raw kay Bonifacio na isang tunay na rebolusyonaryo at mapanghimagsik, si Rizal na isang repormista, tagapagtaguyod ng payapang-pagbabago (pacifist) at nasyonalismong naayon sa batas, ay angkop na angkop sa layuning pananakop at pagkokolonya ng kaisipan ng mga tao.

Ang talinghaga at kabalintunaan (paradox) sa kasaysayan ng kapilipinuhan nuong mga naunang dekada ng mga Amerikano sa bansa, sa isang banda ginamit ng mga Kano si Rizal para sa interest at kapakanan ng kanilang imperyo at pananakop sa bansa, pero sa maraming Pilipino si Rizal ay nagsisilbing sulo at patnubay ng kanilang diwang makabayan at ang patuloy nilang pagkilos laban sa bagong mananakop. Maging ang mga Pilipino nakipagsapalaran magtrabaho sa Amerika ay dala-dala ang diwa ng kamatayan ni Rizal. Narito ang isang account ng nasaliksik ng isang Asyanong historyador:

The most important celebration of Filipino plantation laborers was Rizal Day – December 30, the day the Spanish executed the famous revolutionary leader Jose Rizal in 1896. To honor Rizal, Filipino plantation bands played mandolins and guitars at outdoor concerts. As the Filipino plantation laborers remembered Rizal, they told one another tales of his heroic deeds. “The Kastilas could not kill him, because the bullets bounced off his chest,” a worker would declare. And a compatriot would “tell it up one notch” and quickly add: “He caught them (the bullets) with his bare hands!” Filipinos repeatedly told the story about how the revolutionary leader actually did not die: “After he was buried, his wife poured his love potion on his freshly filled grave, and in the night – he rose, Apo Rizal rose from the grave.” (Prof. Ronald Takaki, “Strangers from a Different Shore: A History of Asian Americans”,1989, pahina 165).

Nagpapatunay na tama ang pananaw ni Ka Andres Bonifacio na ang buhay at kamatayan ni Rizal ay isang alab sa damdaming makabayan ng mga anak bayan. Gayun pa man, ang kalayaan ng Inang Bayan ay inagaw ng mga Pilipinong elit, nuong malakas pa ang rebolusyon, at nakipagsabwatan sa mga Amerikano sa pagpapalaganap ng institusyong sibil ng bansa o nasyon. Ito ang tradisyong pinagmulan at pinagyabong ng tinatawag natin sa ating panahon na trapo o traditional politics. Bagamat pinapahayag ng mga pulitiko na sila ay nasyonalista at naglilingkod sa bayan, taliwas ito sa ginagawa at nauuna ang pansariling interes at kapakanan sa pagluklok nila sa poder.

Kung si Ninoy ay nagwikang “The Filipinos is worth dying for”, sa pagkamatay ni Tita Cory naman, tulad ng naipakita sa malawakang pakikiramay at pakikidalamhati ng milyuong-milyong Pilipino, na higit lalong matimbang ang mensaheng “The Filipinos is worth living for.”

Sa darating na araw at taon higit natin mauunawaan ang talinghaga, ang masalimuot at ang kaliwanagan ng kapilipinuhan. Kung ang maalala ng taumbayan kay Rizal at Ninoy ay ang kanilang kamatayan, ang pagpaslang na kawalang-laban sa kamay ng kaaway, ang paggunita sa pagdadalamhati ay magsisilbing mga tusok sa puso at apoy na mag-aalab ng diwang makabayan.

Habang ang paggunita kina Ka Andres at kay Tita Cory ay ang kanilang buhay bilang huwaran sa tunay at wagas na pagmamahal sa Inang-Bayan at paglilingkod sa mga anak-bayan; kay Bonifacio sa masigasig niyang pagtatag ng Katipunan na may pamantayang kagalang-galang at kataas-taasang patnubay sa buhay ng mga anak-bayan, habang si Tita Cory naman ang tunay na pagmamahal at malasakit ng isang inang sa paglingap sa mga anak at kapwa-tao, lakas at tibay ng loob, pananampalataya at pananalig sa Poong Maykapal, malinis na budhi at konsiyensiya, at ang mabuting pagkataong Pilipino.

Mahigit sa isang dantaon ang pagitan ng panahon nina Rizal at Bonifacio kina Ninoy at Cory, sa aking palagay, mahalagang sariwain muli ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Kapilipinuhan hindi lamang para lubusang mauunawaan kundi basahin ang mga talinghaga, masalimuot, kadiliman at kaliwanagan, upang magbigay ng daan sa sama-samang pagtugon sa mga hamon ng ating panahon para sa kaganapan at pagsapit sa pangarap ng ating mga ninuno, bayani at mga anak-bayan para sa Inang Bayan at sambayanang Pilipino.

Nagbubukang-liwayway na sa ating tinubuang lupa. Magsihanda na tayo sa pagkilos at pagsalubong sa Kaliwanagan nagmumula sa Silangan. Mabuhay ang kapilipinuhan!

Tita Cory at ang Inang Bayan

Ipinaskil Agosto 3, 2009 ni bakasbukas
Mga Kategoriya: KaPilipinuhan sa Pangkalahatan, Komentaryo sa Kapilipinuhan, Paggunita sa kabayanihan, Pilantik ng bayan, Pulitika't Pulitiko

Sanlaksang mahigit na at sa bawat araw ay dumarami pa ang nagpapaabot ng kanilang pasasalamat at marubdob na pakikidalamhati sa pagsasakabilang-buhay sa isang Pilipina na binansagang Tita Cory ng buong bayan.

Ilang libong Pilipino ang napapaluha ng unang mabatid nila ang balitang pumanaw na si Tita Cory. Ilang daang Pilipino ang napapaluha ng masaksihan ang libu-libong taumbayang, nagmumula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, pumipila sa kanyang burol at matiyagang naghahabang sa mga kalsadang daanan ng truck na lulan ang kanyang ataul. At ito ay nagaganap sa Kamaynilaan pa lamang.

Ilang milyon rin ang nakikiisa at nakikiramay sa mga tao sa labas ng Maynila, sa mga liblib na pook ng Luzon, Visayas, Mindanao at mga pulo sa Sulu at Palawan. Sa bukid at bundok, sa pagawaan at parang, sa simbahan at eskwela, palengke at plaza, maging saan man sila sa kapuluan, mga Kristiyano, Moro, katutubo, Tsinoy at maging mga banyaga, ay nababahiran ng dilawang kulay ng amihan kahit na nasa ilalim ng mainit na araw o nagbubugsong patak ng ulan, sa klimang hindi natin sukat maintindihan.

Gayundin sa maraming Pilipino sa labas ng bansa, sa iba’t ibang time zones, sa iba’t ibang klima at kultura, maaring intergenerational, multicultural at multilingual, sa kabila ng lahat, napapalapit sila nagaganap sa Inang Bayan, ang katawagan ng lupang tinubuan nila o ng kanilang magulang, lolo at lola at mga ninuno. Gaano man kalayo ng agwat, napapalapit ang kanilang diwa, puso’t damdamin dulot ng isang kaganapan – ang pagyao ni Tita Cory, ang taong tumayong simbolo ng panunumbalik ng kalayaan at ng demokrasya sa Inang Bayan. Simbolo siya nuon, sa ating panahion sa kasalukuyan, sa darating pang araw, taon at hinaharap, at maging sa susunod na henerasyon  

Totoo, walang pasubali, malaki ang papel ng new media at teknolohiya – ang internet, television, radio, livestreaming, facebook, news network, cable news, twitter – ang dating watak-watak, magkakalayo, di-man-magkakakilala, at maging makakatunggali at may di-pagkakaunawaan ay napapalapit hindi man sa isa’t isa o kani-kaniyang pakikipag-ugnayang at interfaces sa kapwa kundi sa kaibuturan ng sarili, ang kalooban at pagkataong Pilipino.

Sa ganitong pagkakataon at takdang kalagayan ginigising tayo ng ating unawa, may sumisilakbo sa ating puso’t damdamin, may bumabaga sa ating kalooban, nag-uudyok sa diwang makabayan, at may natatamasang kadalisayan sa pag-ibig sa tinubuang lupa.

Bakit kaagad sumagi sa isip ni Jim Paredes ang “Kay sarap palang maging Pilipino” sa kantang “Handog ng Pilipino sa Mundo” na nilikha niya sa dalawang minuto sa panahon ng EDSA 1986? Bakit mismong si Cory ay nagwikang “Ako’y nagpapasalamat sa Panginoong Diyos na ginawa niya akong isang Pilipino”? Saan naman nanggagaling winika ni Ninoy Aquino “The Filipino is worth dying for”?  Ito ba ay tanda ng realisasyon o discernment, isang pagkaunawa o pagkatanto pagkatapos ng kakaibang?             

May pagkakaiba ba ang mga winika nina Jim, Tita Cory at Ninoy sa sinulat na tula ni Ka Andres Bonifacio “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya / sa pagkadalisay at magkadakila / Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?/ Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala… Walang mahalagang hindi inihandog / Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, / dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, / Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot…”

Kaiba sa libing ni Ninoy at Cory, libu-libo ang nakidalamhati at naghatid sa kanilang huling hantungan. Kay Ka Andres Bonifacio, wala man nakabalita sa kanyang pagpaslang, hindi man malaman kung saang bundok at hukay iniwan ang kanyang katawang lupa. Maging ang kanyang malapit na kaibigan tulad ni Emilio Jacinto at mahal sa buhay ay hindi nagawang lumuha sa harap ng kanyang ulilang bangkay.  Ang alaala natin kay Ka Andres ang kanyang gulok at diwa ng Katipunan, pero walang luhang kaugnay sa kanyang kamatayan.

Kaiba sa lahat si Ka Andres, lubos ang pagkaunawa sa kanyang kapilipuhan at higit laluna ang kabatiran niya hinggil sa Inang Bayan, sa tinubuang-bayan, at sa mga anak ng bayan, mga kapwa Pilipino. At para kay ka Andres, ang kalagayan at hinaharap ng Inang Bayan na nakapaloob sa tunggalian ng “dilim at liwanag,” at batid rin niya na ang lupang nabahiran ng dugo at luha ng anak ng bayan, ay nagsisilbing sulong magaalab ng puso’t-damdamin para makamit ang inaasam-asam na kalayaan ng Inang Bayan.

Hindi batid ng karamihang Pilipino na ang pagtingin ni Ka Andres kay Jose P. Rizal ay katulad ng pagtingin nang maraming nakikibaka sa diktadura kay Cory, ang katangi-tanging tao sa takdang kalagayan ng kasaysayang Pilipino na magbubuklod sa mga anak bayan para sa Inang Bayan. Hanggang sa huling sandali pinakikiramdaman at gumagawa ng hakbang sa maaring kalagayan ni Dr. Jose Rizal. Pagkapaslang sa Bagumbayan ni Rizal, sa kabila ng luha, lungkot at lumbay, nanaig ang alab sa kanyang puso at talas ng kanyang pag-unawa sa pinaglalaban, isinalin kaagad-agad sa Pilipino ang “Mi Ultimo Adios” ni Rizal at sinikap niyang maikalat ito sa mga anak ng bayan. Magmula nuon si Rizal ang ginawang password o tanda ng pakikipag-isa at kapanalig sa kilusang pagpapalaya ng Inang Bayan.   

Sa pakikidalamhati ng mga tao sa libing ni Cory, kapansin-pansin pamamayani ng kulay dilaw – sa kanyang damit pamburol, sa mga bulaklak, sa damit at kasuotan ng mga nakikiramay, sa mga ribbon nakasabit sa poste at nakadikit sa kasuotan, sa mga confetti at banners, at marami pang iba. Alam ng marami na ang dilaw ay unang ginamit bilang tanda ng pagsalubong sa pagbabalik ni Ninoy mula sa Amerika. Ang inspirasyon ay mula sa kantang ni Tony Orlando and the Dawn hinggil sa isang nakalaya sa piitan, “If you still want me / Whoa, tie a yellow ribbon ’round the old oak tree.” At ang dilaw ang siyang naging simbolo ng kilusan magmula sa kampanyang Justice for Aquino Justice for All (Jaja) hanggang sa EDSA 1986.   

Gayun pa man, pagpapanatili sa paggamit ni Cory sa kulay dilaw at sa pagsasabuhay niya  sa diwa ng EDSA at higit lalu na sa kartilya ng Katipunan  ayon sa sulatin ni Emilio Jacinto:

 #1  Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy(puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag.

# 3 Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuwiran.

#6 Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

# 8 Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi.

#14 Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi’t magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang matutumbasan.

Hindi kaya ang simbolo ng dilaw ay ang katumbas ng Liwanag nina Ka Andres at Emilio Jacinto. Bagamat nakamit natin ang demokrasya’t kalayaan may lambong sa ating lipunang at namamayani pa ring kadiliman. Hindi kaya kahit sa kanyang huling sandali ninanais ni Cory na tangkilikin natin ang LIWANAG at huwag pabayaang mamamayani ang DILIM (graft and corruption, katiwalian, makasariling kagahaman) para ikabubuti ng Inang Bayan sampu ng mga anak bayan?

Ayon kay Ka Amado V Hernandez; “Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha, Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa… May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo/ May araw ding di na luha sa mata mong namumugto/ Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo.”   

Marahil ang mga luha sa pagyao ni Tita Cory ay mga mumunting tilamsik ng ating damdamin at pananaw, nagpapaalala na minsan nating natanaw at natamong kaliwanagan (EDSA 1986), kahit maikling panahon lang, nanaig pa rin ang kadiliman, nasa bawat-isa marahil ang kapabayaan kaya’t sa buhay niyang ginugol sa pakikipaglaban kontra katiwalian at “kadiliman,” ang lakas ng bayan ay nasa sama-samang pagkilos ng mga anak ng bayan.

Maraming salamat Tita Cory, kayo po ang nagpadama sa magmamahal ng isang ina sa Inang Bayan. Hindi po kayo nag-iisa. Itutuloy po namin ang laban para sa Inang Bayan at ng mga anak bayan.

Ipinaskil Hulyo 12, 2009 ni bakasbukas
Mga Kategoriya: Uncategorized

Aleng nabaril dahil sa pagpapasa ng bala para sa mga rebolusyonaryo

Aleng nabaril dahil sa pagpapasa ng bala para sa mga rebolusyonaryo

Mga letratong di-pangkwadro sa a-kwatro ng Hulyo

Ipinaskil Hulyo 12, 2009 ni bakasbukas
Mga Kategoriya: KaPilipinuhan sa Pangkalahatan, Komentaryo sa Kapilipinuhan

May mga bagay-bagay na ipinagkait sa atin. Isa na rito ang pag-aaral ng ating kasaysayan sa punto de bistang Pilipino o sa partikular at naangkop sa pananaw pantayo.

Maalala ba ninyo ang klase sa history ninyo sa grade, high school at maging sa kolehiyo? Hindi ba kakarampot ang paksa sa kalagayan at kabihasnan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila. Sa buong semester o school year, tungkol sa panahon ng Kastila ang paksa, at pahapyaw na lamang ang panahon ng Amerikano at kontemporaryong kaganapan.

Pahapyaw na nga ang panahon ng Amerikano, puro mga “biyaya” pa na ibinigay daw sa atin ng mga Kano, kaya daw dapat silang pasalamatan sa naabot nating progreso – “First democratic nation in Asia”- at kung hindi daw dahil sa kanila hindi raw tayo nagkaroon ng “public school system,” “sanitation,” “democratic system of government,” “modernization” at marami pang iba.

Sa pag-aaral ng history sa eskwela, maaring maalala ninyo ang mga images nuong panahon ng Kastila – pari, Rizal, kwento sa Noli at Fili, at maging ang pag-aalsa nina Bonifacio, bandilang Pilipino, Aguinaldo at Kawit Kabite. Mayroon ba kayong naaala sa panahon ng Amerikano na lubusang natalakay o napag-aralan sa klase? Well, hindi kayo nag-iisa, kung wala. Ako rin ay wala, kahit na mahilig at history major ako.

Nitong henerasyon ng Facebook (Mabuhay ang Facebook), napupukaw ang aking damdamin at natatalas ang aking angking kaalaman sa gawaing pagbabahagi (tuto-turo) ng mga nakaligtaan pag-aralan sa ating nakaraan. Kaya’t para sa note na ito, na may kaugnayan sa una kong naisulat para Hulyo – Rains of July at Additional Notes on the Rains of July -(Pasensiya na sa Ingles ko ito naisulat, kasi gusto ko ring maipaabot sa mga Filipinong hirap pa sa F/Pilipino, lalu na ang mga Fil-am na mga kasamahan ko sa States).

Ang handog ko sa inyo mga letratong hindi-pangkwadro hinggil sa a-kwatro-ng- Hulyo. Hindi ko muna bibigyan ng mga caption o komento ang mga ito. Tandaan ito ay mga kuha ng mga Amerikano, at maasahan na punto-de-bistang pang-kano ang mga ito. Gayun pa man, layunin ko na maging simula ito ng ating diskurso sa pagpapalaganap at pagpapatalas ng pananaw-pangtayo sa kasaysayan ng ating kapilipinuhan.

Salamat po.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.